courtesy of lenareh |
Tanda ko pa, kapag mahal na araw, isinasama kaming magkakapatid nina Inang at Amang sa maliit na kapilya sa puso ng barrio namin. Dala-dala ang ginawang palaspas na yari sa dahon ng buri or "silag", pinabibendisyunan ito sa pari. Ayon sa matatanda, ang nabendisyunang palaspas ay magandang pang bugaw sa mga aswang at panlaban sa mga mangkukulam kaya madalas na isinasabit ito sa pintuan o kaya sa may altar ng mga tahanan.
Sa gabi naman, isinasama kami sa prusisyon. Iginagawa ako ni Amang ng palakupak, isa itong pangtawag pansin na yari sa kawayan. Ito ay makikita madalas sa mga barrio at ginagamit imbes na paputok.
Dala-dala ang aming antigong rebulto ng santo, umiikot ang prusisyon sa buong barangay at dinadaanan ang mga kubol-kubol na ginawang estasyon ng krus. Bawat tigil sa estasyon ay inaabot ng 5 hanggang sampung minuto dahil sa mga dasal at kantang inuukol dito. Inaabot ang prusisyon ng ilang oras.
courtesy of wikipilipinas |
Hay, nakakamiss ito lalo pa't panahon ng mahal na araw ng ako ay patulian ng aking Amang sa kaibigan niyang albularyo. . .