Sarap Mag-Swimming sa Sapa!

kalabaw sa ilogTanda ko pa noong maliit pa ako:  Isinasama ako ng Amang  ko sa bukid.  Sakay ng isang kalabaw,   pumipito s'ya at paminsan-minsa'y nag ha-hum ng isang awitin.  Sa aking murang isip, di ko alam kung nasa tono sya.  Lately ko na lang nalaman:  kapag daw ang isang tao ay marunong kumanta, nakakapag hum ito at nakakapito ng maayos.  Na-realize ko rin na sintunado ang Amang ko.  Di nga s'ya marunong kumanta.  Never ko s'yang narinig na kumanta.

Pagdating sa bukid, dali-dali akong maghuhubo'y hubad at saka tatakbo at lulundag sa isang maliit na sapa.  Malinis ito at di gaya ng ibang sapa na  amoy burak at kulay gray or  madumi ang  tubig dahil pinaliliguan ng mga kalabaw at pinagtatampisawan ng mga malilikot at maiingay na bibe at mga itik!  Kakaiba ang sapang ito  dahil galing sa bukal ang tubig nito na patuloy na umaagos at pumupuno sa sapa.. At kapag umaapaw na ang tubig sa pilapil, maikukumpara ito sa isang  infinity pool ngayon, dangan nga lamang at ang ilalim nito ay lupa pa rin, at siyempre walang chlorine na nagbibigay kulay dito.  Natural ang kulay nito na kung tititigan mo'y nangingislap sa replekyon ng araw.

Hayy, kay sarap magtampisaw!

No comments:

Post a Comment