Ang Kalabaw, Baw...


Pambansang hayop ito, men...... LOL!

Noong medyo lumalaki na ako at na-uutusan na ni Amang na magpastol nito.    Ipagkakatiwala nya sa akin ang  putikang kalabaw, matapos mag-araro sa bukid.  Wheww!  Katakot!  Hahaha!

Kukunin ko ang sako at ilalatag sa putikang  likod niya, sabay lundag na ako para sumakay.  Pag sinuwerte, abot ako.  Pero pag minalas malas, di ako maka-akyat at dumadausdos ako pababa, kasama ang sako.. Madalas akong di umaabot, hehe!

Dinadala ko ang kalabaw sa pinakamalapit na sapa (tanggal).  O di kaya, sa  malalim na parte ng bukid o burobor .   Noong araw na iyon, sa tanggal ko sya dinala.  Medyo malalim ang tanggal kasi kakatapos lang ng malakas na ulan.  Nang malapit na kami, nagmadaling lumusong ang kalabaw ko dito.  Di ko sya mapigilan at ang "hayop", marunong lumangoy.. Dinala ako sa malalim.  Saka humiga!!! Waahhhh!

Sabay ako sa paghiga nya. Pinilit kong ibalanse ang murang katawan ko para di ako malaglag, pero ayun, nahulog  pa rin ako sa tubig.  Naipit ang isa kong paa sa kanyang paghiga at nalublob sa ilalim ng maputik na sapa ang aking step-in.  Ayayay!!!  Umuwi akong iisa ang tsinelas, bagong paligo na rin, hahaha!

Isang di makakalimutang karanasan ng aking kabataan -- kapiling ng aming kalabaw.


Ikaw, Naranasan mo na ba ito?  Di ka taga probinsya pag di ka pa nakasakay ng kalabaw.

No comments:

Post a Comment