Anihan

fields Panahon ngayon ng anihan.  Kay gandang pagmasdan ng kabukiran, lalo pa’t ito'y kulay ginto sa ilalim ng araw, nagbabadya ng isang masagana at magandang ani.  Sa ganito’y tuwang-tuwa ang mga magsasaka.. Nag-uunahan ang mga ito sa pagbabalita kung kailan ang araw ng pag-gapas o pag-aani para makapunta at makatulong ang  bawat isa.  Iiwan na muna ang mga libangan  na kadalasa’y nagiging dibersyon ng mga ito: ang bingo at ang tong-its—isang klase ng laro sa baraha.  Ito daw ay kombinasyong ng mga larong forty-one (41), lucky nine (9), at black jack.

Subali’t nangyayari, kung di man madalas, ang pagdaan ng bagyo sa amin.  At kadalasan, nasisira ang mga ito na nagreresulta sa pagkasira, di lang ng mga palay, kundi ng ibang pananim gaya ng mga gulay at iba’t ibang mga namumungang puno..  Kung sasamain, pati ang bahay kubo na aming tinitrihan, kasama sa mga matatangay o di kaya’y magigiba ng malakas na hangin. 

Ang bagyo.marunong tumayming. Nitong nakaraan linggo, isang super bagyo ang dumaan.  Walanghiyang Juan!  'Di man dumaan ang mata nito sa aming lugar, nagdulot pa rin ito ng pagbaha at pagkasira  ng aming mga pananim.  Matinding tinamaan nito ang parteng norte, gaya ng Isabela, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Region at La Union.

Ang kawawang magsasaka.  Ginto na’y naging bato pa!

No comments:

Post a Comment