Courtesy of Melinda Garcia del Rosario |
Sa araw na ito, sama-sama kaming pumupunta sa sementeryo. Sa puntod ng mga magulang nina Amang at Inang. Malayo ang sementeryo sa amin. Doon pa sa paanan ng bundok. Kapag nasa malayo ka, makikita mo agad sya kasi may kulay na mga puti.. Yon eh kung may bagong pinturang nitso.. Pag luma na, wala ka nang makikita lalo na kapag tumubo na ang mga talahib sa paligid ng sementeryo at mismong sa mga libingan.
Tatlong araw bago mag pista ng patay, pumupunta kami ni Amang sa sementeryo para linisin ang paligid ng mga nitso ng mga Apong Lakay at mga Apong Baket namin. May nitso na yong mga Apong namin sa side ni Amang pero sa Apong namin sa side ni Inang, wala pa. Puro talahib. Ang hirap linisin. Taon-taon, yon ang ginagawa namin ni Amang. May dala kaming asarol, karet, brush at saka pinturang puti at itim. Posporo na rin kasi sinusunog namin ang mga dumi sa paligid ng mga nitso.
Masaya kapag araw ng mga patay sa amin. Para talagang fiesta. Yong iba, nagdadala ng radio casette. Wala pang CD noon kaya tape recorder ang dala-dala ng mga mayroon nito. Ang daming pagkain! May mga ipinapatong na mga platito ng iba't ibang pagkain ant mga kakanin sa mga nitso. May softdrinks pa nga eh. Malalaman mo daw na lasenggo ang nakalibing doon kapag may bote din ng alak sa ibabaw ng kanilang mga nitso. Kadalasan, choktong ito, haha!
Ang saya talaga! Inaabangan ko lagi ang Pista ng Patay kasi nakaka-ipon ako ng kandila. Yong luha ng kandila ay binibilog ko. Lumalalaki ito na parang tuhod ko! Ang galing ko! Kasi ang ginagawa ko, pinipuntahan ko ang lahat ng mga puntod.. Kapag may maliit na akong bilog, itatabi ko sa nakasinding kandila ito para doon pupunta yong mga tumutulong luha nito. Ang saya-saya ko, haha!
Pero minsan nakakatakot din. Kasi yong katabi ng nitso ng Lolo ko, may laging hinihimatay na matandang babae. Taon-taon yon. Yon kasing nakalibing doon, anak n'ya na namatay noong maliit pa lang. May kakambal sya. Kaya pag nandoon yong kakambal, para ko na ring nakita yong patay. Ngiiiii! Tapos pag hinimatay na yong matanda, bumabagsak sa lupa at tirik ang mata. Katakot talaga! May kumakagat sa hinlalaki nya sa paa pag hinihimatay na. Siguro naman, iniipit na lang 'yon ngayon. Syempre, madumi. Maputik kaya doon sa sementeryo. Ayayay!!
Ang dami kong kwento, ano. Sige,kitakits na lang tayo sa sementeryo. Magdala kayo ng baraha.. Masarap mag-tong-its doon, haha!
No comments:
Post a Comment