Sapi (Possession, Exorcism)

From the movie, The Exorcist
Di ko alam kung dapat kong ikwento ito.  Pero sige na rin.. Totoong kwento at karanasan ko naman ito, eh, haha!  Pista na rin lang ng mga patay at uso ang mga kwentong nakakatakot... pagbigyan nyo na ako.

Medyo malayo ang kubo namin sa baryo.  Kaya pag pumapasok ako sa eskwela, napapadaan ako sa isang bahay na iyon..  Wala lang.. nakikiraan lang naman kaya di ko yon pansin. Pero isang araw, nang papauwi na ako mula sa eskwela kasama ng isa kong kaibigan,  may kakaiba sa bahay na iyon. Bandang alas tres 'yon ng hapon.  Madaming tao.

"Anong meron kina Aling Iska, " sambit ko.  "Halika, silipin natin"



Habang papalapit kami sa bahay na yon, lalo naming napapansin na madaming tao noon.   Halos lahat ay nakiki-usyoso.  Sumingit kami ng kaibigan ko sa pagitan ng mga tao. Dahil maliliit pa kami, madali lang sa aming gawin yon.

Sa wakas naka-akyat din kami sa itaas ng bahay.

May nakahigang ale.. nakadiretso lang at parang matigas ang katawan.  Di ko makilala kasi may takip ding itim na tela ang mukha.

"Sino po ang namatay?"  tanong ko sa isa.

"Si Aling Iska!", sagot ng babae.  "Di s'ya patay.  Sinasapian siya..."  dugtong  pa nito.

Sapi?    Di ko alam ang ibig sabihin 'non, pero sa tingin ko sa mga taong nandoon noon, may  bakas ng takot sa mga mukha nila.  Kaya daw may takip na itim na tela ang mukha para di makita ng mga tao ang nakakatakot nitong anyo.  Malaki daw ang mata nito at walang kulay itim.  Puro puti!  Yiiiiighhhh!!!!

Umuungol si Aling Iska.  Maya'y maya'y nagsasalita pero di ito maintindihan.    At hindi rin 'yon ang boses n'ya.  May lalaki, tapos babae.  Parang nasa malayo.

Tumakbo ako papalabas  pauwi sa amin habang sumunod naman ang kaibigan ko.

Natakot kami!

No comments:

Post a Comment