Courtesy of Adronico |
Gabi na. Inabot kami ng dilim sa daan galing sa sementeryo. Sinindihan ni Inang ang kandila. Ito ang ilaw namin sa gabi. Dati, gasera. Isang bote na may lamang ga-as at may pabilong tela. Nakakatuwa kasi paggising ko sa umaga, nangingitim ang loob ng ilong ko. Mahilig pa naman akong mangulangot sa umaga, haha!
Si ate, lagi akong ini-inggit. sabi niya, napakaganda raw sa Maynila, lalo na sa gabi. Ito daw ang nagbibigay buhay sa kabuuan ng malaking siyudad.
"Di bale, makakarating ka rin doon, " sabay tapik sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa!
"Oo." sambit n'ya. "Basta pagbubutihin mo ang pag-aaral mo. Iyan ang magiging puhunan mo pagdating mo doon."
Nakangiti akong nagbasa ng aking mga aralin noong gabing iyon. Mula noon, pinangarap ko na’ng makarating sa Maynila.
No comments:
Post a Comment