Duyan
May duyan kami sa bahay. Nasa ilalaim ito ng mga puno sa tabi ng aming kubo. Dito kami naglalaro at nagkukwentuhan ng mga kalaro ko. Yari ito sa uway (rattan) at kasya ang tatlo.
Masarap humiga dito, lalo na kapag hapon, pagkatapos mananghalian. Kay sarap matulog dito, habang dinarama mo ang salamisim ng malamig na hangin mula sa kabukiran. Mga huni ng mga ibon na musika sa ating pandinig.
Ang duyan din na ito ang gamit sa amin sa pagdadala ng mga maysakit patungo sa ospital sa bayan. Wala kasing sasakyan na nakakarating sa amin. Kapag may mga maysakit na di na kayang maglakad, lalo na sa maputik at makikitid naming kalsada, dito sila isinasakay. Itinatali ang duyan sa isang kawayan, at binubuhat ng dalawang kalalakihan sa magkabilang mga dulo nito.
Nakakalungkot, pero marami nang namatay sa amin habang dinadala sa ospital, lulan ng duyan na ito.
Tanda ko pa.... Nasa Grade 2 lang ako noon sa mababang paaralan sa lugar namin. Kailangang dahil sa bayan ang uncle ko dahil masakit ang dibdib at di makahinga. Na-aksidente kasi sya apat na araw na ang nakakaraan. Nabangga ang tims (mini-bus) na sinakyan n'ya patungong Carmen (sa Rosales, Pangasinan). pagkabangga, sumadsad sya sa likod ng upuan na na nasa unahan niya. Para naman daw walang nangyari pero pag-uwi nya sa bahay nila, di na sya makahinga at nahihirapang tumayo.
Noong umagang na iyon, dumaan pa ako sa bahay nila para sunduin ang pnsan ko papasok sa eskwela. Nakita ko pa ang Auntie ko na hinihilot ang dibdib ni Uncle dahil di daw sya makahinga.
Bandang tanghali, kailangan na daw dalhin sa bayan si Uncle dahil di na ito makagalaw. Di daw makahinga at nagsusuka ng dugo. Sabi nila, baka daw may nabaling buto sa dibidib nya dahil sa pagkabangga ng sinakyan nya noong nakaraang araw.
Bandang hapon, mga alas tres, habang nasa eskwelahan kami ng pinsan ko, may dumating na kabitbahay para kaunin ang pinsan ko. Inuwi na raw kasi ang amang nya. Habang buhat daw sya lulan ng aming duyan patungong ili (bayan), nalagutan sya ng hininga doon sa laud, malapit sa turod.
Iyak kami nang iyak ng pinsan ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment