Showing posts with label Mga Kaganapan. Show all posts
Showing posts with label Mga Kaganapan. Show all posts

Pista ng Patay (All Saints Day)

sementeryo ctsy of melinda garcia del rosario
Courtesy of Melinda Garcia del Rosario
Excited si Ate na nasa Manila kapag araw ng mga patay.  'Yon lang kasi ang araw na nakakauwi sya sa amin.  At saka Pasko, syempre.

Sa araw na ito, sama-sama kaming pumupunta sa sementeryo.  Sa puntod ng mga magulang nina Amang  at Inang. Malayo ang sementeryo sa amin.  Doon pa sa paanan ng bundok.  Kapag nasa malayo ka, makikita mo agad sya kasi may kulay na mga puti.. Yon eh kung may bagong pinturang nitso.. Pag luma na, wala ka nang makikita  lalo na kapag tumubo na ang mga talahib sa paligid ng sementeryo at mismong sa mga libingan.