Showing posts with label Sa Kabukiran. Show all posts
Showing posts with label Sa Kabukiran. Show all posts

Anihan

fields Panahon ngayon ng anihan.  Kay gandang pagmasdan ng kabukiran, lalo pa’t ito'y kulay ginto sa ilalim ng araw, nagbabadya ng isang masagana at magandang ani.  Sa ganito’y tuwang-tuwa ang mga magsasaka.. Nag-uunahan ang mga ito sa pagbabalita kung kailan ang araw ng pag-gapas o pag-aani para makapunta at makatulong ang  bawat isa.  Iiwan na muna ang mga libangan  na kadalasa’y nagiging dibersyon ng mga ito: ang bingo at ang tong-its—isang klase ng laro sa baraha.  Ito daw ay kombinasyong ng mga larong forty-one (41), lucky nine (9), at black jack.

Subali’t nangyayari, kung di man madalas, ang pagdaan ng bagyo sa amin.  At kadalasan, nasisira ang mga ito na nagreresulta sa pagkasira, di lang ng mga palay, kundi ng ibang pananim gaya ng mga gulay at iba’t ibang mga namumungang puno..  Kung sasamain, pati ang bahay kubo na aming tinitrihan, kasama sa mga matatangay o di kaya’y magigiba ng malakas na hangin. 

Ang bagyo.marunong tumayming. Nitong nakaraan linggo, isang super bagyo ang dumaan.  Walanghiyang Juan!  'Di man dumaan ang mata nito sa aming lugar, nagdulot pa rin ito ng pagbaha at pagkasira  ng aming mga pananim.  Matinding tinamaan nito ang parteng norte, gaya ng Isabela, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Region at La Union.

Ang kawawang magsasaka.  Ginto na’y naging bato pa!

Ang Kalabaw, Baw...


Pambansang hayop ito, men...... LOL!

Noong medyo lumalaki na ako at na-uutusan na ni Amang na magpastol nito.    Ipagkakatiwala nya sa akin ang  putikang kalabaw, matapos mag-araro sa bukid.  Wheww!  Katakot!  Hahaha!

Kukunin ko ang sako at ilalatag sa putikang  likod niya, sabay lundag na ako para sumakay.  Pag sinuwerte, abot ako.  Pero pag minalas malas, di ako maka-akyat at dumadausdos ako pababa, kasama ang sako.. Madalas akong di umaabot, hehe!

Dinadala ko ang kalabaw sa pinakamalapit na sapa (tanggal).  O di kaya, sa  malalim na parte ng bukid o burobor .   Noong araw na iyon, sa tanggal ko sya dinala.  Medyo malalim ang tanggal kasi kakatapos lang ng malakas na ulan.  Nang malapit na kami, nagmadaling lumusong ang kalabaw ko dito.  Di ko sya mapigilan at ang "hayop", marunong lumangoy.. Dinala ako sa malalim.  Saka humiga!!! Waahhhh!

Sabay ako sa paghiga nya. Pinilit kong ibalanse ang murang katawan ko para di ako malaglag, pero ayun, nahulog  pa rin ako sa tubig.  Naipit ang isa kong paa sa kanyang paghiga at nalublob sa ilalim ng maputik na sapa ang aking step-in.  Ayayay!!!  Umuwi akong iisa ang tsinelas, bagong paligo na rin, hahaha!

Isang di makakalimutang karanasan ng aking kabataan -- kapiling ng aming kalabaw.


Ikaw, Naranasan mo na ba ito?  Di ka taga probinsya pag di ka pa nakasakay ng kalabaw.

Sarap Mag-Swimming sa Sapa!

kalabaw sa ilogTanda ko pa noong maliit pa ako:  Isinasama ako ng Amang  ko sa bukid.  Sakay ng isang kalabaw,   pumipito s'ya at paminsan-minsa'y nag ha-hum ng isang awitin.  Sa aking murang isip, di ko alam kung nasa tono sya.  Lately ko na lang nalaman:  kapag daw ang isang tao ay marunong kumanta, nakakapag hum ito at nakakapito ng maayos.  Na-realize ko rin na sintunado ang Amang ko.  Di nga s'ya marunong kumanta.  Never ko s'yang narinig na kumanta.

Pagdating sa bukid, dali-dali akong maghuhubo'y hubad at saka tatakbo at lulundag sa isang maliit na sapa.  Malinis ito at di gaya ng ibang sapa na  amoy burak at kulay gray or  madumi ang  tubig dahil pinaliliguan ng mga kalabaw at pinagtatampisawan ng mga malilikot at maiingay na bibe at mga itik!  Kakaiba ang sapang ito  dahil galing sa bukal ang tubig nito na patuloy na umaagos at pumupuno sa sapa.. At kapag umaapaw na ang tubig sa pilapil, maikukumpara ito sa isang  infinity pool ngayon, dangan nga lamang at ang ilalim nito ay lupa pa rin, at siyempre walang chlorine na nagbibigay kulay dito.  Natural ang kulay nito na kung tititigan mo'y nangingislap sa replekyon ng araw.

Hayy, kay sarap magtampisaw!

Ang Bukid, Baw (Bow)...

Simpleng buhay, simpleng pangangilangan... Asahan mo ito, kaibigan.

100820102897
Courtesy of Ramil Sumangil
Pasyalan natin ang bukirin. Sa una'y, mapapa-ahh!  ka sa ganda ng tanawin at nang  iyong pakiramdam.
Ngunit di lang pala 'yon.  Namnamin pa natin:

Kay lamig ng simoy ng hangin! Kay sarap langhapin nito! At ang palayan,..   Ang mga  gintong butil ng buhay.  Dito nanggagaling ang pagkain at kabuhayan  ng ating mga maliliit na kababayan.
Di ba't isang tunay na paraiso ito?
Ahh, di ko ipagpapalit ito!

Simpleng Buhay

082020101479 Ewan ko lang kung may nakaka-alam pa kung paano mabuhay sa kabukiran.  Higit sa lahat, sa isang bahay kubo sa gitna nito…
Ahh, kay sarap sariwain ang nakaraan.  Di nga ba’t noong una nama’y ganito ang mga bahay, lalo na sa probinsya?   Simpleng buhay lang, hindi ba?
Kwentuhan tayo, kabayan :)