Di ko alam kung dapat kong ikwento ito. Pero sige na rin.. Totoong kwento at karanasan ko naman ito, eh, haha! Pista na rin lang ng mga patay at uso ang mga kwentong nakakatakot... pagbigyan nyo na ako.
Medyo malayo ang kubo namin sa baryo. Kaya pag pumapasok ako sa eskwela, napapadaan ako sa isang bahay na iyon.. Wala lang.. nakikiraan lang naman kaya di ko yon pansin. Pero isang araw, nang papauwi na ako mula sa eskwela kasama ng isa kong kaibigan, may kakaiba sa bahay na iyon. Bandang alas tres 'yon ng hapon. Madaming tao.
Excited si Ate na nasa Manila kapag araw ng mga patay. 'Yon lang kasi ang araw na nakakauwi sya sa amin. At saka Pasko, syempre.
Sa araw na ito, sama-sama kaming pumupunta sa sementeryo. Sa puntod ng mga magulang nina Amang at Inang. Malayo ang sementeryo sa amin. Doon pa sa paanan ng bundok. Kapag nasa malayo ka, makikita mo agad sya kasi may kulay na mga puti.. Yon eh kung may bagong pinturang nitso.. Pag luma na, wala ka nang makikita lalo na kapag tumubo na ang mga talahib sa paligid ng sementeryo at mismong sa mga libingan.
Isang araw, di ko makita ang baril-barilan ko. Yari 'yon sa sanga ng akasya. Inukit ni Amang para magkakorteng baril-barilan. Sa amin, di uso ang totoong baril-barilan o anumang laruan. Wala kaming pambili.
Naiinggit ako sa mga kalaro kong bata. Ang gaganda ng kanilang mga baril-barilan. Si Amang, marunong. Ginawan n'ya ito ng paraan. Gusto rin n'yang magkaroon kami ng mga laruan. Ang galing nya. Ginawan talaga n'ya ako. Malaki pa!
Lagi na iyong nakasukbit sa bewang ko mula nang ibigay ni Amang sa akin. Pero ewan ko ba. Noong araw na 'yon, di ko ito makita.
Panahon ngayon ng anihan. Kay gandang pagmasdan ng kabukiran, lalo pa’t ito'y kulay ginto sa ilalim ng araw, nagbabadya ng isang masagana at magandang ani. Sa ganito’y tuwang-tuwa ang mga magsasaka.. Nag-uunahan ang mga ito sa pagbabalita kung kailan ang araw ng pag-gapas o pag-aani para makapunta at makatulong ang bawat isa. Iiwan na muna ang mga libangan na kadalasa’y nagiging dibersyon ng mga ito: ang bingo at ang tong-its—isang klase ng laro sa baraha. Ito daw ay kombinasyong ng mga larong forty-one (41), lucky nine (9), at black jack.
Subali’t nangyayari, kung di man madalas, ang pagdaan ng bagyo sa amin. At kadalasan, nasisira ang mga ito na nagreresulta sa pagkasira, di lang ng mga palay, kundi ng ibang pananim gaya ng mga gulay at iba’t ibang mga namumungang puno.. Kung sasamain, pati ang bahay kubo na aming tinitrihan, kasama sa mga matatangay o di kaya’y magigiba ng malakas na hangin.
Ang bagyo.marunong tumayming. Nitong nakaraan linggo, isang super bagyo ang dumaan. Walanghiyang Juan! 'Di man dumaan ang mata nito sa aming lugar, nagdulot pa rin ito ng pagbaha at pagkasira ng aming mga pananim. Matinding tinamaan nito ang parteng norte, gaya ng Isabela, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Region at La Union.
Ang kawawang magsasaka. Ginto na’y naging bato pa!
Noong medyo lumalaki na ako at na-uutusan na ni Amang na magpastol nito. Ipagkakatiwala nya sa akin ang putikang kalabaw, matapos mag-araro sa bukid. Wheww! Katakot! Hahaha!
Kukunin ko ang sako at ilalatag sa putikang likod niya, sabay lundag na ako para sumakay. Pag sinuwerte, abot ako. Pero pag minalas malas, di ako maka-akyat at dumadausdos ako pababa, kasama ang sako.. Madalas akong di umaabot, hehe!
Dinadala ko ang kalabaw sa pinakamalapit na sapa (tanggal). O di kaya, sa malalim na parte ng bukid o burobor . Noong araw na iyon, sa tanggal ko sya dinala. Medyo malalim ang tanggal kasi kakatapos lang ng malakas na ulan. Nang malapit na kami, nagmadaling lumusong ang kalabaw ko dito. Di ko sya mapigilan at ang "hayop", marunong lumangoy.. Dinala ako sa malalim. Saka humiga!!! Waahhhh!
Sabay ako sa paghiga nya. Pinilit kong ibalanse ang murang katawan ko para di ako malaglag, pero ayun, nahulog pa rin ako sa tubig. Naipit ang isa kong paa sa kanyang paghiga at nalublob sa ilalim ng maputik na sapa ang aking step-in. Ayayay!!! Umuwi akong iisa ang tsinelas, bagong paligo na rin, hahaha!
Isang di makakalimutang karanasan ng aking kabataan -- kapiling ng aming kalabaw.
Ikaw, Naranasan mo na ba ito? Di ka taga probinsya pag di ka pa nakasakay ng kalabaw.
Tanda ko pa noong maliit pa ako: Isinasama ako ng Amang ko sa bukid. Sakay ng isang kalabaw, pumipito s'ya at paminsan-minsa'y nag ha-hum ng isang awitin. Sa aking murang isip, di ko alam kung nasa tono sya. Lately ko na lang nalaman: kapag daw ang isang tao ay marunong kumanta, nakakapag hum ito at nakakapito ng maayos. Na-realize ko rin na sintunado ang Amang ko. Di nga s'ya marunong kumanta. Never ko s'yang narinig na kumanta.
Pagdating sa bukid, dali-dali akong maghuhubo'y hubad at saka tatakbo at lulundag sa isang maliit na sapa. Malinis ito at di gaya ng ibang sapa na amoy burak at kulay gray or madumi ang tubig dahil pinaliliguan ng mga kalabaw at pinagtatampisawan ng mga malilikot at maiingay na bibe at mga itik! Kakaiba ang sapang ito dahil galing sa bukal ang tubig nito na patuloy na umaagos at pumupuno sa sapa.. At kapag umaapaw na ang tubig sa pilapil, maikukumpara ito sa isang infinity pool ngayon, dangan nga lamang at ang ilalim nito ay lupa pa rin, at siyempre walang chlorine na nagbibigay kulay dito. Natural ang kulay nito na kung tititigan mo'y nangingislap sa replekyon ng araw.
Simpleng buhay, simpleng pangangilangan... Asahan mo ito, kaibigan.
Courtesy of Ramil Sumangil
Pasyalan natin ang bukirin. Sa una'y, mapapa-ahh! ka sa ganda ng tanawin at nang iyong pakiramdam.
Ngunit di lang pala 'yon. Namnamin pa natin:
Kay lamig ng simoy ng hangin! Kay sarap langhapin nito! At ang palayan,.. Ang mga gintong butil ng buhay. Dito nanggagaling ang pagkain at kabuhayan ng ating mga maliliit na kababayan.
Di ba't isang tunay na paraiso ito?
Ahh, di ko ipagpapalit ito!
Ewan ko lang kung may nakaka-alam pa kung paano mabuhay sa kabukiran. Higit sa lahat, sa isang bahay kubo sa gitna nito… Ahh, kay sarap sariwain ang nakaraan. Di nga ba’t noong una nama’y ganito ang mga bahay, lalo na sa probinsya? Simpleng buhay lang, hindi ba? Kwentuhan tayo, kabayan :)
Bahay kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari. Singkamas at talong, Sigarilyas at mani, Sitaw, bataw, patani, Kundol, patola, upo't kalabasa At saka meron pang Labanos, mustasa, Sibuyas, kamatis, Bawang at luya Sa paligid ligid Ay maraming linga.